Sino Ang Dapat Mong Unahin I-Approach? Ang Iyong Warm Market (KKK) o Ang Ibang Tao?

Kailangan Ko Nga Bang Unahing I-approach Ang Aking Mga Kamag-anak, Kaibigan at Kakilala?


Ha!? Isang kontrobersyal na tanong sa Network Marketing? Para sa akin, walang tama o maling sagot dito. Masasabi ko na depende ito sayo, ano ba ang past experience mo sa kanila o ang naging relasyon mo sa iyong warm market. It really makes sense na umpisahan mong i-approach ang iyong warm market, kung positive ang relationship mo sa kanila, obviously kailangan mong magsimula somewhere. Pero sabi ni Ray Higdon sa isa sa mga latest video training nya, na kailangan mong maging maingat kung paano mo i-a-approach ang iyong warm market. Unang una, hindi ka dapat masyadong apektado sa resulta. I-share mo lang sa kanila ang iyong business opportunity at kung hindi naman sila interesado ay move-on ka na agad. Hindi mo kailangan magkaroon ng emotional attachment sa magiging desisyon nila. Pangalawa, huwag na huwag mo ring silang i-a-approach sa money aspect ng iyong business opportunity- gaya ng compensation plan o kung gaano man kalaki ang kikitain mo dito. Pwedeng hindi naman businessminded ang tingin nila sayo and then suddenly you are talking to them about your business opportunity this way. Sa halip ay i-share mo sa kanila ang business opportunity sa ibang paraan kagaya ng mga products ng MLM company mo. Gawin mong ito ang selling point ng iyong business opportunity.

Paano Mo Naman Dapat I-Aproach Ang Ibang Tao?

Pwedeng maisip mo na hindi mo na muna i-se-share ang iyong opportunity sa iyong warm market. Gusto mo munang magkaroon ng experience dito, at mas ok kung magkakaresulta ka muna bago mo sa kanila i-share ang iyong business opportunity. So, sino ang aalukin mo ng iyong business opportunity? Well, kung inuna mo na ang iyong warm market, malalagay ka rin sa ganitong sitwasyon in the future, at maitatanong mo sa sarili mo na sino na ang aalukin ko ng aking business opportunity?.

At sa puntong ito, inuna o hinuli mo man ang iyong mga kamag-anak, kakilala at mga kaibigan, kailangan mong matutunan kung paano i-market ang iyong business opporunity! Sa halip na namimigay ka ng flyers sa kalsada o namumusakal ka, di ba mas may sense kung aaralin mo munang i -MARKET ang iyong business opporunity ng mas effective at tama!? Pwedeng offline o online ito, o pwede ring pareho. Alinman sa dalawa, you need to learn how to market your business opportunity or products to your Target Market. Sa mga taong talagang interesado na sa mga ino-offer mo. Ang Target Market mo ay pwedeng base sa mga products ng MLM company mo o pwedeng sa mga tao rin na interesado lang sa Network Marketing Business - o mas maganda PAREHO!

Para mai-Market mo ng mas effective ang iyong business opportunity ay kailangan mong i-educate ang sarili mo sa mga ganitong techniques at strategies. Kailangan mong matutunan kung paano mo ma-a-achieve ang gusto mong resulta sa effective at ´leveraged´ na pamamaraan.

Paano mo gagawin yun? Pwede kong i-share sayo kung ano yung mga tools at trainings na ginawa ko para i-educate ang sarili ko. Nakakapag-genarate na ako ngayon ng 10-15 targeted leads araw araw gamit ang ATTRACTION MARKETING Methods. Pero kailangan mong itong gawin, aralin at pagtuunan ng pansin. Hindi naman ito mahirap, kailangan mo lang ng consistent action at small investment para sa training.

Makikita mo dito ang mga pwede mong matutunan sa tools at training na ito.

Kung ano man ang maging desisyon mo, unahin mo man o i-huli ang iyong warm market, at some point kailangan mong matutunan ang tamang pamamaraan ng pagma-Market ng iyong business opportunity para makamit mo ang success sa iyong business. Huwag kang mag-alala- KAYANG KAYA MO `YAN! Maging handa ka lang gumawa ng aksiyon palagi dahil wala naman talagang magic shortcut sa ating industry.

Thanks for reading my blogpost, sana ay nakatulong sayo ang topic natin ngayon :)

No comments:

Post a Comment